Pilipinas kulelat sa pagpapatupad ng vaccination plan – Sen. Frank Drilon

By Jan Escosio February 18, 2021 - 09:49 AM

Pinuna ni Senate Minority Leader Frank Drilon ang pagkakasama ng Pilipinas sa mga napapag-iwanan sa pagpapatupad ng vaccination plan.

Sinabi nito, anim sa 10 miyembro ng ASEAN ang nakapagsimula na ng pagpapabakuna ng kanilang mamamayan, samantalang ang Pilipinas ay nagkukumahog pa para makakuha ng suplay ng bakuna.

“Many are baffled by our situation. Out of the 10 countries in Southeast Asian, six have already started inoculating their citizens,” sabi ni Drilon na tumutukoy sa Singapore, Indonesia, Cambodia, Vietnam, Laos at Myanmar.

Bukod naman sa Pilipinas, hindi pa rin nakapagsimula ang Malaysia, Thailand at Brunei, sa pagpapabakuna ng kanilang mamamayan.

Sinabi ni Drilon na nakakadismaya ang sitwasyon ng Pilipinas at aniya nababahala siya sa hinaharap ng bansa at ng sambayanan.

Pagdidiin nito, ang kinabukasan ng bansa ay nakasalalay sa kakayahan ng gobyerno na makakuha ng mga bakuna at mabakunahan na ang mamamayan.

Nabanggit din nito, maraming Filipino ang hindi pa rin nagtitiwala sa bakuna at ang isa pang isyu aniya ay nahahaluan ito ng politika.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.