(Update) Bagyong Auring ganap ng tropical storm – PAGASA

Patuloy ang paglakas ng bagyong Auring at ayon sa PAGASA isa na itong tropical storm.

Ang sentro ng unang bagyo na pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayon taon ay huling namataan 685 kimoleters east southeast ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Ang lakas ng hangin nito ay umaabot na sa 65 kilometers per hour at may bugso na hanggang 80 kilometers per hour.

Sa pagtataya ng PAGASA lalo pang lalakas ang bagyo bago ito tatami sa kalupaan ng Caraga sa Sabado ng gabi o Linggo ng umaga at maari na itong severe tropical storm.

Inaasahan na magdudulot ito ng malakas na pag-ulan sa Visayas, Caraga, Northern Mindanao, Bicol Region, Calabarzon, Davao Oriental, Davao de Oro, Davao del Norte, Lanao del Sur, Mindoro, Marinduque, Romblon, Northern Palawan, kasama na abf Calamian at Cuyo Islands simula ngayon weekend hanggang sa Lunes.

Posible rin na itaas na ang Signal No. 1 sa Caraga at Davao Region bukas.

Read more...