Tagumpay kontra Duterte! – Sen. Leila de Lima sa pagbasura ng isang drug case

By Jan Escosio February 18, 2021 - 07:12 AM

Ikinatuwa na ni Senator Leila de Lima ang pagkakabasura ng isa sa mga kasong kinahaharap niya na may kaugnayan sa droga.

“To be acquitted even in just one case, in the time of Duterte, is a victory,” ayon kay de Lima.

Kaugnay naman sa pagbasura sa kanyang demurrer to evidence at motion for bail, tiwala si de Lima na mahina ang mga ebidensiya para patunayan ang mga ibinibintang sa kanya.

Sa inilabas niyang pahayag, ipinunto nito isa-isa ang kahinaan ng ipinagpipilitan ng prosekusyon na kasabwat siya sa sinasabing illegal drug trading sa loob ng pambansang piitan.

Giit nito, mismong ang mga testigo na ng prosekusyon ang itinatanggi na may nalalaman sila ukol sa mga bintang sa kanya.

“Ito lang din ang katangi-tanging mga kaso tungkol sa droga na kahit isang butil o gramo ng droga, ay walang naipresenta. Ibig sabihin, puro laway lang ang basehan,” diin nito.

Ibinahagi niya ang kanilang balak na maghain ng motion for reconsideration sa desisyon ng korte na ibasura ang demurrer to evidence at motion for bail.

“Laban lang. Kasama natin ang Panginoon, nasa panig natin ang katotohanan at katarungan,” diin ni de Lima.

Ang naibasurang kaso ng senadora ay ang kaso kung saan kapwa akusado niya ang kanyang pamangkin na si Jose Adrian Dera.

Sa 41-pahinang desisyon ni RTC Brach 205 Judge Liezel Aquitan, sinabi na nabigo ang prosekusyon na maglabas ng maibay na ebidensiya para patunayan ang pagkakasala ng mg akusado.

Sinabi ng hukuman na maging ang testimoniya ng mga preso na sina Hans Tan at Peter Co ay hindi naging sapat para mapatunayan ang mga ibinibintang kina de Lima at Dera.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.