Nagbabala sa publiko ang Bureau of Customs (BOC) laban sa mga locally manufactured fake vaccine.
Ito ay kasabay ng paghihigpit sa border security ng ahensya upang malabanan ang importasyon ng mga peke at smuggled na gamot at bakuna.
Katuwang ng BOC ang National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at maging ang Food and Drug Agency (FDA).
Paalala ng ahensya sa publiko, maging maingat sa bibilhing bakuna.
Posible kasi anilang magdulot ng hindi magandang epekto sa kalusugan ang mga pekeng bakuna.
Tiniyak naman ng BOC na patuloy silang makikipagtulungan sa ibang ahensya ng gobyerno sa pamamagitan ng intelligence information sharing, koordinasyon at enforcement support upang mapigilan ang mga peke at smuggled na bakuna.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.