Tropical Depression #AuringPH, bahagyang lumakas
Bahagyang lumakas ang binabantayang Tropical Depression Auring, ayon sa PAGASA.
Sinabi ni PAGASA weather specialist Joey Figuracion na huling namataan ang bagyo sa layong 700 kilometers East Southeast ng Hinatuan, Surigao del Sur dakong 3:00 ng hapon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers per hour.
Sa ngayon, wala pa rin aniyang epekto ang bagyo sa anumang bahagi ng bansa.
Samantala, ang Tail-end of Frontal System naman ang umiiral sa Silangang bahagi ng Visayas at Southern Luzon.
Sa susunod na 24 oras, bunsod nito, makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan sa buong Visayas, ilang bahagi ng Bicol region, Northern Mindanao at Zamboanga Peninsula.
Northeast Monsoon o Amihan naman ang nakakaapekto sa bahagi ng nalalabing parte ng Luzon.
Magdadala ito ng mahinang pag-ulan sa Cagayan Valley, Aurora at Quezon.
Magiging aliwalas naman aniya ang panahon sa nalalabing parte ng bansa kabilang ang Metro Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.