TESDA isinusulong ang urban farming para makatipid at kumita

TESDA PHOTO

Sa taas ng halaga ng mga pagkain, hinikayat ni Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)  Director General Isidro Lapeña na subukan ang urban farming.

Aniya ang pagtatanim at pag-aalaga ng sariling pagkain at pinakamainam pa rin na paraan para masiguro ang pagkain.

Sinabi nito nakahanda ang TESDA na magturo ng mga tama at makabagong pamamaraan sa pagtatanim.

“We all know that as we face this pandemic, we are prone to food shortages. That’s why we, in TESDA, listed agriculture as one of our top priorities. In fact, our training institutions were already directed last year to prioritize the agri-sector in allocating budget for their skills training. We have proven that both big and small spaces can be utilized to grow our own food,” sabi ng opisyal

Noong 2019 inatasan niya ang lahat ng TESDA Training Centers na maglagay ng sarili nilang mini-organic farm para mahikayat ang komunidad na magtanim para sa kanilang pagkain.

Daan-daan na rin ang naturuan ng TESDA ng pagtatanim at may programa sila para sa mga out-of-school youth sa ilalim ng Urban Community Agriculture Project sa Metro Manila.

Read more...