22 miyembro ng tribung Mangyan na umanib sa NPA, sumuko
Nagbalik-loob sa pamahalaan ang 22 miyembro ng tribung Mangyan na miyembro ng New People’s Army sa Calapan City, Oriental Mindoro.
Ang mga katutubo ay sumuko kina Mimaropa Police director, Brig. Gen. Pascual Munoz at sa 203rd Brigade ng Philippine Army.
Isinuko nila ang kanilang mga armas at nabatid na miyembro sila ng Lucio de Guzman Command ng NPA.
Nabatid na sila ay sinanay ng isang Mean Santillan alias Ka Ida.
Sinabi ni Munoz na matagal nang nais sumuko ng mga katutubo dahil sa hirap ng kanilang buhay at kinondena nila ang panlilinlang sa kanila ng mga namumuno sa kilusan.
Pinuri naman ng opisyal ang tapang ng mga sumuko at hinikayat pa nito ang ibang mga miyembro ng NPA sa rehiyon na sumuko na rin at samantalahin ang mga programa ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF ELCAC).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.