Indemnity agreement sa COVID-19 vaccines mula Pfizer, AstraZeneca naisumite na ng Pilipinas sa Covax facility

Nilagdaan at isinumite na ng Pilipinas sa Covax facility ang indemnity agreement para sa bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Pfizer at AstraZeneca.

Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., naghihinaty na lamang ang Pilipinas ng feedback sa indemnification agreement kung saan tinitiyak ng pamahalaan na aakuin ang responsibilidad sakaling makaranas ng masamang epekto ang isang pasyente.

“Nakapagpirma na po at naisumite na po natin ang mga requirements kasama na po dito ang indemnification agreements para sa Pfizer at AstraZeneca. Napirmahan na po namin iyon,” pahayag ni Galvez.

Handang-handa na aniya ang Pilipinas para sa vaccination program.

Aminado si Galvez na sa ngayon, may bahagyang pagkaantala sa bakuna dahil isinasapinal pa ang mutual agreement sa indemnity agreement.

Inaasahang darating na bansa sa loob ng buwan ng Pebrero ang mga bakunang gawa ng Pfizer.

Read more...