Maynila, nakapagtala ng tig-47 na bagong COVID-19 cases at recoveries

By Angellic Jordan February 17, 2021 - 02:57 PM

Karagdagang 47 kaso ng COVID-19 ang naitala sa Lungsod ng Maynila.

Batay sa MEOC COVID-19 monitoring hanggang 12:00, Miyerkules ng tanghali (February 17), sumampa na sa 27,301 ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 379 ang aktibong kaso.

Naitala ang pinakamataas na bilang ng active COVID-19 case sa Sampaloc na may 68 active cases.

Sumunod dito ang Tondo 1 at Malate na may tig-51 na aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Nasa 47 residente rin ang bagong gumaling at tatlo ang bagong nasawi.

Dahil dito, umabot na sa 26,124 ang kabuuang bilang ng naka-recover mula sa sakit sa Maynila habang 798 na ang nasawi dahil sa COVID-19 pandemic.

TAGS: breaking news, COVID-19 cases in Manila, COVID-19 deaths in Manila, COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, COVID-19 recoveries in Manila, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, breaking news, COVID-19 cases in Manila, COVID-19 deaths in Manila, COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, COVID-19 recoveries in Manila, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.