2,000 baboy mula South Cotabato, dumating na sa NCR

By Chona Yu February 17, 2021 - 02:50 PM

Dumating na sa Metro Manila ang may 2,000 baboy galing ng South Cotabato.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nasa Vitas sa Tondo, Manila na ang mga baboy at kakatayin bago iparating sa iba’t ibang palengke sa Metro Manila.

Ayon kay Roque, bahagi ito ng hakbang ng pamahalaan na maibsan ang kakulangan ng suplay ng baboy sa Metro Manila.

Layunin din aniya nito na maibaba ang presyo at maabot ang itinakdang price cap ng pamahalaan na P270 hanggang P300 kada kilo.

“Dumating po ang dalawang libong baboy galing po sa South Cotabato at ito po ngayon ay nasa Vitas, Tondo. Ito po ay ipararating sa iba’t ibang mga palengke dito sa Metro Manila at kabahagi po ito ng ating mga hakbang na ginagawa para maibsan nga po iyong kakulangan ng baboy dito sa Metro Manila nang sa ganoon ay bumaba po ang presyo ng baboy, at least umabot doon sa price cap na sinet po ng ating gobyerno,” pahayag ni Roque.

Matatandaang umabot sa P400 kada kilo ang presyo ng baboy sa mga palengke.

TAGS: baboy, Inquirer News, pork products from South Cotabato, pork supply, Radyo Inquirer news, Sec. Harry Roque, baboy, Inquirer News, pork products from South Cotabato, pork supply, Radyo Inquirer news, Sec. Harry Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.