Pamahalaan pinahahanap ng pangmatagalang solusyon sa problema sa suplay ng baboy

By Erwin Aguilon February 17, 2021 - 10:40 AM

Radyo Inquirer File Photo

Kailangang sumentro sa pangmatagalang solusyon ang gagawin ng pamahalaan upang maresolba ang problema sa mataas na presyo at kakulangan sa suplay ng karneng baboy.

Ayon kay Economic Stimulus and Recovery Co-chair at Albay Rep. Joey Salceda, ang epektibong tugon sa pork crisis ay mas maayos na feed supply at mas pinaigting na modern support system para sa agrikultura.

Iginiit nito na bagama’t makakatulong sa pagbaba ng presyo ng baboy ang direct impotation, hindi naman ito sustainable dahil sa patuloy na pagtaas ng demand sa karneng baboy at pagbagal naman sa paglaki ng global pork supply.

Iminungkahi ni Salceda na humanap ng mga pagpipilian para palawakin pa ang feed supply at sources ng feeds.

Sa ganitong paraan anya ay makakamit ng bansa ang cost-competitive at maihahalintulad na sa ibang bansa ang mga mapoproduce na meat o karne.

Hinikayat din ni Salceda ang Department of Agriculture na ikunsidera ang kahalagahan ng cold storage facilities at iba pang pasilidad na makakatulong para pahabain ang shelf life ng mga karne.

Pinabubuo rin ng mambabatas ang ahensya ng support system tulad ng pag-modernisa ng logistics, post-harvest facilities, support for input production tulad ng feeds, at mas marami pang efficient value-chains na makakatulong para maging competitive ang bansa sa livestock production.

 

 

 

 

TAGS: baboy, Department of Agriculture, Rep JOey Salceda, baboy, Department of Agriculture, Rep JOey Salceda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.