Pag-iimbestiga ng Senado sa credit card fraud cases tuloy

By Jan Escosio February 17, 2021 - 10:14 AM

Inanunsiyo ni Senator Sherwin Gatchalian na ikakasa na sa Senado ang pag-iimbestiga ukol sa credit card fraud at ibang reklamo ukol sa unauthorized bank transactions.

“Mula noong ibinunyag natin ang pambibiktima sa aking credit card hanggang ngayon ay hindi humihinto ang pagdagsa ng mga reklamo na natatanggap ng aking upisina mula sa mga biktima ng unauthorized online bank fund transfers at credit card transactions,” ayon sa senador.

Isa aniya sa isyu ay hindi alam ng mga nabibiktima kung saan sila hihingi ng tulong at wala ring mabilis na proseso para matugunan agad ang mga reklamo.

Ibinahagi ng vice chairman ng Senate Committee on Banks na sesentro ang pagdinig sa mga hakbang na ginagawa ng Bangko Sentral ng Pilipinas at mga bangko para protektahan ang interes ng kanilang mga kliyente.

Aniya ngayon ay pinag-iisipan na niya ang paghahain ng panukalang-batas para magarantiyahan ang proteksyon ng mga konsyumer.

TAGS: credit card fraud, Sen. Sherwyn Gatchalian, senate investigation, credit card fraud, Sen. Sherwyn Gatchalian, senate investigation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.