100% free dialysis sa mga Senior Citizens isinusulong sa Senado
Inihain ni Senator Risa Hontiveros ang Senate Bill No. 2053 para malibre ang 144 dialysis sessions na kinakailangan ng mga senior citizen na may karamdaman sa kanilang kidney o bato.
Paliwanag ni Hontiveros layon ng kanyang Free Dialysis for Senior Citizens Act of 2021 na malibre ang kinakailangan dialysis sessions ng mga nakakatanda sa mga accredited hospitals o sa free-standing dialysis centers sa pamamagitan ng Philhealth.
“Dialysis has become the lifeline for so many of our senior citizens. It is already difficult to grow old, pero doble ang hirap ng mga lola’t lola na kailangan ding magpa-dialysis. We should help ease the burden,” sabi pa nito.
Ipinunto niya na dahil sa pandemya nakadagdag pa sa intindihin ng mga senior ang kanilang pagpapa-dialysis dahil sa ngayon 90 sessions lang ang sinasagot ng Philhealth at 144 sessions ang kanilang kinakailangan sa buong taon.
Diin ni Hontiveros napakahalaga na maipasa agad ang kanyang panukala dahil base sa National Kidney and Transplant Institute, pang-pito ang kidney disease sa mga nangungunang sanhi ng pagkamatay ng mga Filipino.
Sa Mababang Kapulungan, lumusot na sa Special Committee on Senior Citizens ang House Bill 7859 na inihain ni Senior Citizens Partylist Rep. Rodolfo Ordanes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.