Bongbong Marcos tatakbo sa 2022 elections

Kinumpirma ng kampo ni dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos ang pagtakbo nito sa 2022 elections.

Sinabi ito ni Atty. Vic Rodriquez, abogado ni Marcos sa panayam ng ANC.

“He will definitely running,” saad ni Rodriquez.

Gayunman, sinabi nito na magkakaroon sila ng formal announcement sa mga plano ni Marcos sa 2022.

Kahapon, nauna nang inanunsyo ng Presidential Electoral Tribunal na ibinasura ang electoral protest ni Marcos sa vice presidential race noong 2016 dahil sa kawalan ng merito.

 

 

 

 

Read more...