58 pang pulis, naka-recover na sa COVID-19

Aabot sa 37 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Martes ng gabi (February 16), 10,870 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 441 ang aktibo pang kaso.

58 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 10,398 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 31 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...