Ilang residente sa Taal Island, inilikas

By Angellic Jordan February 16, 2021 - 06:10 PM
PCG photo

Inilikas ang ilang residente sa Taal Island, araw ng Martes (February 16).

Ito ay dahil sa muling pagtaas ng seismic activity ng Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.

Sanib-pwersa ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG), PNP Talisay, BFP Talisay, at MDRRMO upang maprotektahan ang mga residente sa posibleng banta ng nasabing bulkan.

PCG photo

Pansamantalang mananatili ang mga residente sa City Social Welfare and Development Office ng Talisay, Batangas habang binabantayan ang aktibidad ng bulkan sa mga susunod na oras.

Samantala, nagsagawa rin ng inspeksyon sa paligid ng isla.

Layong nitong makapagsagawa ng karagdagang precautionary measure sa mga susunod na oras at araw.

PCG photo

Batay sa Taal volcano bulletin ng Phivolcs bandang 8:00, Martes ng umaga, nakapagtala ng 98 tremor episodes na tumagal nang lima hanggang 12 minuto batay sa monitoring sa nakalipas na 24 oras.

Patuloy ding naglalabas ang bulkan ng white steam-laden plumes na may taas na limang metro.

Sa ngayon, nananatili sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal.

Ngunit babala ng Phivolcs, posible pa ring makaranas ng sudden steam-driven o phreatic explosions, volcanic earthquakes at minor ashfall sa bisinidad ng Taal Volcano Island.

TAGS: BFP, Bulkang Taal, Inquirer News, PCG, Phivolcs advisory on Taal, PNP, Radyo Inquirer news, Taal alert, Taal volcano activity, Tagalog breaking news, BFP, Bulkang Taal, Inquirer News, PCG, Phivolcs advisory on Taal, PNP, Radyo Inquirer news, Taal alert, Taal volcano activity, Tagalog breaking news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.