168,945 na pasahero, naserbisyuhan ng MRT-3 sa Feb. 1
Umabot sa kabuuang 168,945 ang bilang ng mga pasaherong naserbisyuhan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa araw ng Lunes, February 15, 2021.
Ayon sa pamunuan ng MRT-3, ito ang pinakatamaas na bilang ng commuters na sumakay sa tren simula nang magbalik-operasyon noong June 1.
Resulta anila ito ng pinataas na passenger capacity, mas mabilis na biyahe ng mga tren at dagdag na running at operational train sets sa linya ng MRT-3.
Sinabi ng pamunuan ng MRT-3 na ang kapasidad ng mga tren ay nasa 30 porsyento o 124 na pasahero kada train car, 372 na pasahero kada train set.
Noong December 7, 2020 sinimulang itinaas sa 60 kilometers per hour ang bilis ng takbo ng tren.
Bunsod nito, nabawasan ang oras sa pagitan ng mga tren mula 8.5 hanggang siyam na minuto sa 20 tren, pababa ng 3.5 hanggang 4 minuto.
Tiniyak naman ng pamunuan ng MRT-3 na patuloy ang mahigpit nilang pagpapatupad ng health and safety protocols para masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.