Resolusyon upang taasan ang volume ng mga aangkating karneng baboy, nasa Palasyo na

By Erwin Aguilon February 16, 2021 - 04:29 PM

Photo grab from PCOO Facebook live video

Pinatataasan ng Department of Agriculture (DA) sa Malacañang ang minimum access volume (MAV) para sa aangkatin na karne ng baboy.

Sinabi ito ni Agriculture Sec. William Dar sa pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food na naisumite na nila sa Palasyo ang resolusyon para dito.

Mula sa annual MAV na 54,000 metric tons para sa karne ng baboy, iminumungkahi nila sa Malacañang na itaas ito sa 404,210 metric tons para sa taong 2021.

Pirma na lamang aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hinihintay para maipatupad ito.

Samantala, isinasapinal pa naman ng Philippine Tariff Commision ang kanilang report sa proposal na ibaba ang ipinapataw na taripa para sa mga imported meat products sa loob ng isang taon.

Noong nakaraang linggo, nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Executive Order No. 124 para magpatupad ng price cap sa karne ng baboy.

Ito ay matapos na sumirit ang presyo ng naturang mga produkto dahil sa mababang supply ng karne ng baboy bunsod ng African Swine Fever.

TAGS: Inquirer News, pag-angkat ng baboy, pork price, pork products, pork supply, Radyo Inquirer news, Sec. William Dar, Inquirer News, pag-angkat ng baboy, pork price, pork products, pork supply, Radyo Inquirer news, Sec. William Dar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.