Suplay ng manok sa buong taong 2021, sapat – Sec. Dar
Sapat ang suplay ng manok sa bansa hanggang sa matapos ang taong 2021.
Ito ang pagtitiyak ni Agriculture Secretary William Dar sa pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food at Committee on Trade and Industry.
Nauna nang nagtakda ng price ceiling sa manok dahil sa pagtaas ng presyo nito sa merkado.
Pagdating naman sa gulay, sinabi ni Dar na dumarami ang harvest ng mga magsasaka.
Nakababangon na aniya ang mga magsasaka na naapektuhan ng mga nakalipas na kalamidad gaya ng bagyo noong Nobyembre.
Ayon kay Dar, marami silang kinakaharap na hamon pero nagagawan naman ito ng paraan at natutulungan ang sektor.
Kaugnay nito, sinabi ni Dar na kasado na ang Food Security Summit sa April 7 at 8, 2021
Kasama ang iba’t ibang stakeholders at inaasahan ni Dar na mareresolba ang mga suliranin sa agri-fisheries sector.
Mailalatag din ang integrated response sa gitna ng “new normal” lalo’t kailangang mag-adjust o mailinya ang istratehiya sa kasalukuyang sitwasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.