Palasyo, iginagalang ang desisyon ng PET sa electoral protest ni Bongbong Marcos vs Robredo
Iginagalang ng Palasyo ng Malakanyang ang desisyon ng Supreme Court na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET) nang ibasura ang electoral protest na inihain ni dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. laban kay Vice President Leni Robredo.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, may remedyo pa naman si Marcos kung nais nitong iapela ang kaso.
Nagdesisyon na aniya ang Kataas-taasang Hukuman kaugnay sa kaso ni Marcos.
“Yan ay desisyon ng kataas-taasang hukuman, we respect that and we respect also that the camp of Senator Bongbong Marcos has a further remedy of moving for reconsideration,” pahayag ni Roque.
Ipinoprotesta ni Marcos ang umano’y dayaan noong 2016 elections kung kaya natalo siya sa Vice Presidential race.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.