42 pang residente sa Maynila, nagpositibo sa COVID-19
Karagdagang 42 kaso ng COVID-19 ang naitala sa Lungsod ng Maynila.
Batay sa MEOC COVID-19 monitoring hanggang 12:00, Martes ng tanghali (February 16), sumampa na sa 27,254 ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 381 ang aktibong kaso.
Naitala ang pinakamataas na bilang ng active COVID-19 case sa Sampaloc na may 72 active cases.
Sumunod dito ang Tondo 1 at Malate na may tig-52 na aktibong kaso ng nakakahawang sakit.
Nasa 38 residente naman ang bagong gumaling at walang bagong nasawi.
Dahil dito, umabot na sa 26,078 ang kabuuang bilang ng naka-recover mula sa sakit sa Maynila habang 795 na ang nasawi dahil sa COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.