Dating Sen. Bongbong Marcos, wala pang kopya ng desisyon ng PET

Hindi pa makapagbigay ng reaksyon ang kampo ni dating Senator Ferdinand ‘Bong Bong’ Marcos Jr. kaugnay sa pagbasura ng Presidential Electoral Tribunal sa kanyang protesta sa pagkakatalo niya kay Vice President Leni Robredo noong 2016 election.

Sinabi ni Atty. Vic Rodriguez, abogado ni Marcos, tanging sa media reports lang nila nalaman ang desisyon ng PET.

Aniya, maglalabas sila ng pahayag kapag nalaman na nila ang detalye base sa mga opisyal na dokumento o kung ang mismong PET ang maga-anunsiyo ng kanilang desisyon.

Una nang inanunsiyo na ang Korte Suprema, sa pag-aktong PET, ang pagbasura sa protesta ni Marcos sa panalo ni Robredo.

Sa pagkumpirma ni SC spokesman Brian Keith Hosaka sa desisyon, sinabi nito na pitong miyembro ng PET ang nagsabi na dapat nang ibasura ang protesta samantalang walo naman ang sumang-ayon na lang sa desisyon.

Read more...