Pagtaas ng kaso ng pang-aabuso sa mga babae at bata, pinaiimbestigahan sa Kamara

By Erwin Aguilon February 16, 2021 - 03:13 PM

Congress photo

Ikinaalarma ni Deputy Speaker Camille Villar sa pagtaas ng kaso ng mga pang-aabuso sa mga kababaihan at mga bata sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa House Resolution 1581 na inihain ni Villar, nais nito na magsagawa ng imbestigasyon ang Committees on Women and Gender Equality at Welfare of Children para busisiin ang pagtaas ng kaso ng mga pangaabuso sa mga kababaihan at kabataan sa gitna ng health crisis.

Mahalaga, ayon kay Villar, na matalakay ang problema lalo pa’t ang mga naitalang pagtaas ng kaso ng violence at sexual exploitation ay nangyari sa loob ng mga tahanan bunsod na rin ng implementasyon ng community quarantine.

Tinukoy pa sa resolusyon na maaaring nakaapekto ang limitasyon sa mobility at public transportation kaya nahirapan ang mga biktima na i-report sa mga awtoridad ang mga pang-aabuso.

Kailangan aniyang maglatag ng mga hakbang para sa dagdag na proteksyon sa mga kababaihan at mga kabataan.

Sa tala ng Philippine Commission on Women ay umabot na sa 13,923 cases ang mga ulat ng kaso ng violence against women and children (VAWC) mula noong March 15, 2020 na simula ng lockdown hanggang November 30, 2020.

Sa mahigit na 13,000 kasong naitala, 4,747 ay mga kaso ng pang-aabuso sa mga kabataan.

TAGS: 18th congress, House Resolution 1581, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep Camille Villar, sexual abuse, 18th congress, House Resolution 1581, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep Camille Villar, sexual abuse

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.