Team Pacquiao biyaheng Las Vegas na

By Dona Dominguez-Cargullo April 05, 2016 - 07:55 AM SHARE(S):
Photo from Jinkee Pacquiao's IG account
Photo from Jinkee Pacquiao’s IG account

Nagsimula nang bumiyahe patungo sa Las Vegas ang Team Pacquiao para sa nalalapit na laban ng pambansang kamao kay Timothy Bradley sa April 9 sa Amerika, April 10 sa Pilipinas.

Sakay ng “Pacbus” ang Team Pacquiao, habang nasa kanilang sasakyan naman si Pacquiao, kasama ang asawang si Jinkee at mga anak.

Inaasahang alas 9:00 ng gabi ang dating ng Team Pacquiao sa Las Vegas oras doon.

Bago umalis ay nag-training muna sa Wild Card Gym si Pacquiao.

Nagpa-unlak din ito ng photo opportunity sa media, kasama kaniyang trainers.

Matapos ang training sa Wild Card ay nagyakap-yakap ang team Pacquiao at nagdasal.

 

TAGS: Team Pacquiao heads to Las Vegas, Team Pacquiao heads to Las Vegas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.