Pribadong sektor, hindi na makakabili ng COVID-19 vaccine mula sa AstraZeneca
Hindi na makabibili ang pribadong sektor ng bakuna kontra COVID-19 na gawa ng AstraZeneca.
Ayon kay Presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion, naubusan na ng suplay ang AstraZeneca at kulang pa para sa Europa.
Ang 17 milyong doses aniyang nakuha nila sa AstraZeneca ang huling supplies na.
Hindi na rin aniya makabibili ang pribadong sektor ng bakuna sa kompanyang Moderna.
Gayunman, may available naman na bakuna ang Novavax Serum Institute of India.
Sa katunayan, maraming mga nasa pribadong sector at mga kumpanya ang naghayag na ng interes na bumili ng Novavax.
Tulad ng paraang ginawa sa AstraZeneca na isinailalim sa tripartite agreement, ganito rin aniya ang sistemang gagawin para sa Novavax.
Maging ang maliliit na negosyo aniya ay pwedeng um-order.
Sa ngayon, nasa ikatlong quarter ng taon ang inaasahang dating sa bansa ng karamihan sa mga suplay ng bakuna na inorder ng pamahalaan tulad ng Moderna at AstraZeneca.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.