26 pang residente sa Eastern Visayas, nagpositibo sa COVID-19

May 26 pang nadagdag sa bilang ng kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 8:00, Martes ng umaga (February 16), umakyat na sa 14,926 ang confirmed COVID-19 cases sa probinsya.

Sa nasabing bilang, 401 o 2.69 porsyento ang aktibong kaso.

42 residente naman ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.

Bunsod nito, umabot na sa 14,325 o 95.97 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.

Nasa 200 na ang mga residenteng nasawi o 1.34 porsyento bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...