Electoral protest ni Marcos laban kay Robredo ibinasura ng Supreme Court
By Chona Yu February 16, 2021 - 12:30 PM
Ibinasura ng Supreme Court ang electoral protest na inihain ni dating Senador Ferdinand Marcos Jr. laban kay Vice President Leni Robredo.
Ayon sa source ng Inquirer, unanimous ang desisyon ng Supreme Court na tumatayong Presidential Electoral Tribunal.
Nagsagawa ng en banc session ang Supreme Court kahapon, Pebrero 16.
Inabot ng apat na taon ang pagdinig ng Supreme Court sa electoral protest ni Marcos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.