Hotlines para sa vaccination program sa Maynila, inilatag na
Naglatag na ang lokal na pamahalaan ng Maynila ng hotline number para matawagan at mapagtanungan sa mga nagnanais na maturukan ng bakuna kontra Covid 19.
Ayon kay Manila City Health Officer Doctor Arnold Pangan, maaring tumawag sa 0927-351-0849; 0915-703-0621; 0968-572-1975 o 0961-020-2655.
Ayon kay Pangan, tutugunan ng action center ang tanong ng mga caller kung paano magpa-rehistro para mabakunahan.
“Our action center will be there to respond to the needs of individuals who will get vaccinated. the MCVAC will guide you from step 1 until the post-vaccination process,” pahayag ni Pangan.
Una rito, sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na 18 vaccination sites ang bubuksan sa national capital region.
Gagawin ang pagbabakuna sa mga pampublikong paaralan sa Maynila.
“The city aims to inoculate 1,000 individuals per day, with a daily target of 18,000 citywide or 126,000 in seven days,” pahayag ni Mayor Isko.
Nabatid na makatatanggap ng vaccination passport ang mga indibidwal na tapos nang mabakunahan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.