Roque, Galvez inatasan ni Pangulong Duterte na magsagawa ng public briefing dalawang beses kada linggo

Photo credit: Sen. Bong Go

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte sina vaccine czar Carlito Galvez at Presidential Spokesman Harry Roque na magsagawa ng public information campaign dalawang beses kada linggo.

Ito ay para maayos na maipabatid sa publiko ang vaccination program ng pamahalaan kontra Covid 19.

“So I have requested Secretary Galvez and si Secretary Roque sa — sila ang magdala sa public information and it should be given twice a day — twice a week rather — twice a week para you will be better informed of what government is doing,” pahayag ng Pangulo.

Pilit aniyang pinagsusumikapan ng pamahalaan para maging katotohanan ang layuning mabakunahan ang mayorya sa mga Filipino kontra Covid 19.

“We are trying our best. As you have heard from Secretary Galvez, we are in the process of really working towards the realization of our vaccine program,”pahayag ng Pangulo.

Inaasahang sa loob ng buwang ito, darating na sa bansa ang mga bakunang binili ng Pilipinas sa China.

Read more...