Ayon kay Sec. Sarmiento, bubuo sila ng dalawang fact-finding panels para sa patas na pag-alam sa buong katotohanan sa insidenteng naganap.
Ani pa Sarmiento, siya mismo ay mga katanungan na nais niyang matugunan, at ang tanging paraan para makuha ang mga sagot ay sa pamamagitan ng isang buo at patas na imbestigasyon.
Ang unang panel na pamumunuan ni National Police Commission (NAPOLCOM) Commissioner Job Mangete ay tutuon sa mismong operasyon at mga naging hakbang ng Philippine National Police (PNP) na naroon.
Pagtutuunan naman ng pansin ng ikalawang panel ang mga ginawa ng local government units para maresolbahan ang mga problemang idinulot ng El Niño sa kani-kanilang mga lugar.