DILG pasok na rin sa imbestigasyon sa marahas na Kidapawan dispersal

By Kathleen Betina Aenlle April 05, 2016 - 04:48 AM

 

kidapawan-dispersal2Iniutos na ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Mel Senen Sarmiento ang pagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay sa nangyaring komosyon sa Kidapawan City na ikinasawi ng 3 magsasaka at ikinasugat ng marami.

Ayon kay Sec. Sarmiento, bubuo sila ng dalawang fact-finding panels para sa patas na pag-alam sa buong katotohanan sa insidenteng naganap.

Ani pa Sarmiento, siya mismo ay mga katanungan na nais niyang matugunan, at ang tanging paraan para makuha ang mga sagot ay sa pamamagitan ng isang buo at patas na imbestigasyon.

Ang unang panel na pamumunuan ni National Police Commission (NAPOLCOM) Commissioner Job Mangete ay tutuon sa mismong operasyon at mga naging hakbang ng Philippine National Police (PNP) na naroon.

Pagtutuunan naman ng pansin ng ikalawang panel ang mga ginawa ng local government units para maresolbahan ang mga problemang idinulot ng El Niño sa kani-kanilang mga lugar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.