Hindi pabor si Senator Imee Marcos sa mga isinusulong na panukala para sa pagbuo ng Department of Overseas Filipinos (DOFil).
Katuwiran ni Marcos maari naman magpalabas ng executive order para palawigin o palakasin ang mandato ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) para sa pagtugon sa pangangailangan ng mga Filipino na nagta-trabaho sa ibag bansa.
Dagdag pa nito sa pagbuo ng bagong kagawaran mangangailangan pa ng karagdagang gastusin sa gitna ng pakikipaglaban sa pandemya.
“Huwag munang department kundi authority na lang kasi alam ko nga gaano lalaki ‘yong gastos,” aniya at dagdag pa nito, “hindi ba pwedeng i-executive order na lang ‘yong POEA at talagang hirap na hirap na talaga ang ating mga OFW. Expand the authority perhaps and integrate the DFA and DSWD functions that are relevant?”
Sinasabi na mangangailangan ng P1.1 bilyon para sa pagbuo ng DOFil.