Online piracy sa 2020 MMFF nais paimbestigahan sa Kamara

By Erwin Aguilon February 16, 2021 - 08:32 AM

Ipinasisilip ni House Committee on Social Services Chairman Alfred Vargas sa Kamara ang mga sinasabing “online piracy” noong 2020 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ayon kay Vargas, na isa ring aktor, kailangan aniyang maimbestigahan ng Special Committee on Creative Industry and Performing Arts at iba pang komite sa Kamara ang online piracy at maglatag ng may ngiping batas laban sa movie piracy.

Nakaa-alarma na aniya ang talamak na pamimirata ng mga pelikula at patuloy na banta sa industriya at kabuhayan ng libo-libong manggagawa at artists sa bansa.

Babala ni Vargas, kapag nawalan ng gana ang mga movie producer ay posibleng hindi na makapanuod ang Pilipino ng mga magagandang at de-kalibreng pelikula.

Hindi rin aniya lahat ng producers ay mayaman at gumagawa ng pelikula dahil sa kanilang adbokasiya at “passion” bukod pa sa apektado rin ang mga ito ng COVID-19 pandemic.

Dagdag nito, marami na ang nawawala sa ating kultura bilang mga Filipino kung patuloy na nanakawin ang mga pelikula sa pamamagitan ng online piracy.

Dagdag nito, mayroon naman na iilan na nahuhuli ang Optical Media Board (OMB) pero karamihan ay patuloy sa kanilang pagnanakaw ng mga pelikula.

TAGS: House Committee on Social Services Chairman Alfred Vargas, MMFF, online piracy, Optical Media Board, Special Committee on Creative Industry and Performing Arts, House Committee on Social Services Chairman Alfred Vargas, MMFF, online piracy, Optical Media Board, Special Committee on Creative Industry and Performing Arts

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.