200 nagbarikada sa GenSan para humingi ng ayuda dahil sa tag-tuyot

By Kathleen Betina Aenlle April 05, 2016 - 04:46 AM

 

Mula sa Wikipedia

Tinatayang nasa 200 na rallyista ang nag-barikada sa highway sa harap ng National Food Authority (NFA) sa General Santos City, Lunes ng umaga.

Ginawa nila ito upang himukin ang pamahalaan na gawin ang lahat para matulungan ang mga magsasakang labis na apektado ng tag-tuyot, at para rin kondenahin ang naging marahas na dispersal sa mga ito sa Kidapawan City.

Ayon sa tagapagsalita ng Bagong Alayansang Makabayan (BAYAN)-Socsksargen na si Ryan Lariba, nag-simula ang barikada ng mga rallyista alas-10 ng umaga at natapos rin matapos ang isang oras.

Ani Lariba, dumating ang mga anti-riot na mga pulis, ngunit naging maayos at matagumpay naman ang mga negosasyon dahil ipinaliwanag nila ng maayos ang kanilang pakay doon.

Nais lang aniya nila ipahatid ang mensahe na nagugutom na ang mga magsasaka at kanilang mga pamilya.

Bagaman may ilang local government units na nagbigay na ng tulong, hindi pa rin ito sapat kaya dapat ay magbigay ng karagdagang tulong ang national government.

Bukod dito, ipinahayag ni Lariba ang kanilang pagkabahala dahil hanggang ngayon ay nananahimik pa rin ang administrasyong Aquino tungkol sa problema ng mga magsasaka.

Lalo pa anilang ikinaalarma na imbis na bigas, ay bala ang ibinigay sa mga nagugutom na magsasaka.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.