Mayor Sotto, nagbabala vs pekeng COVID-19 vaccine

Photo credit: Mayor Vico Sotto/Twitter

Naglabas ng babala si Pasig City Mayor Vico Sotto laban sa mga pekeng bakuna laban sa COVID-19.

Ibinahagi ng alkalde ang larawan kung saan makikita ang ibinebentang pekeng COVID-19 vaccine.

“Beware!! Wag bumili sa mga ganito! Picture pa lang kita nang mali ang handling. Maglolokohan lang kayo niyan,” pahayag ni Sotto.

Paalala nito, dapat dumaan sa national government ang pagbili ng anumang bakuna.

Aniya pa, “Health care frontliners din po ang mauunang bakunahan.”

Inaasahang darating sa Pilipinas ang biniling 117,000 doses ng Pfizer.

Read more...