Ito ay kaugnay sa aberyang idinulot ng blackout sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, na ikinastranded ng libu-libong pasahero noong Sabado.
Bagkus, ayon kay Presidential Communications Sec. Herminio Coloma Jr., inutusan lang ni Pangulong Aquino sina DOTC Sec. Jun Abaya at Manila International Airport Authority general manager Jose Angel Honrado na gumawa ng “contingency measures” upang hindi na ito maulit.
Nais din ng Pangulo na ipatiyak kina Abaya at Honrado na may sapat na supply ng kuryente ang mga paliparan na siyang magtitiyak rin sa kaligtasan ng mga pasahero.
Matatandaang noong Sabado ay mahigit 5 oras nawalan ng kuryente ang NAIA Terminal 3 kung saan maraming flights ang kung hindi man naantala at nakansela.