Hotspots habang papalapit ang May 9, dumarami-CHR

By Jay Dones April 05, 2016 - 04:38 AM

 

Inquirer file photo

Nadadagdagan ang bilang ng mga lugar na nagkakaroon ng matinding tensyon at karahasan habang papalapit ang mismong araw ng eleksyon.

Ito ang pananaw ng Commission on Human Rights o CHR.

Ayon kay CHR Chair Jose Luis Martin ‘Chito’ Gascon, kabilang sa kanilang minamanmanan ay ang mga lalawigan ng Laguna, Nueva Ecija, at Bulacan na may mga naitalang insidente ng human rights violations kaugnay sa nalalapit na eleksyon.

Gayunman, hindi pa matukoy ng komisyon ang eksaktong bilang ng mga naitalang kaharasan sa kasalukuyan sa pagsasabing nagpapatuloy pa ang pagtanggap nila ng mga ulat ukol dito.

Bago magtapos aniya ang linggong ito, ay maglalabas sila ng inisyal na tala ng mga election related incidents kasabay ng 30-day countdown bago ang May 9 polls.

Dagdag pa ni Gasoc, kabilang sa mga naitatalang kaso ng election-related violent incidents ay mga insidente ng harassment, pagbabanta sa mga kandidato at sa kanilang mga taga-suporta.

Nakatakda naman aniyang magpakalat ng 600 kawani ang CHR sa mga lugar na may mataas na election-related incidents.

Makakatulong din aniya ng CHR ang may 31 civil society groups sa kanilang pagbabantay sa panahon ng halalan kontra human rights violations.

Bahagi din aniya ng plano ng Komisyon upang magbantay sa eleksyon ay ang pag-recruit ng hanggang 10,0000 volunteers para sa panaohn ng halalan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.