Pinabubuksan ang mga sinehan, bakit hindi ang mga eskuwelahan? – Sen. Ralph Recto

By Jan Escosio February 15, 2021 - 07:35 PM

SENATE PRIB PHOTO

Ipinagtataka ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang desisyon ng Inter Agency Task Force (IATF) na payagan nang magbukas ang mga sinehan ngunit hindi ang mga eskuwelahan.

Ayon kay Recto dapat pakinggan ng gobyerno ang mga sinasabi ng health experts ukol sa pagbubukas ng mga establismento.

“Education is an essential service compared to amusement that is not essential,” diin ng senador.

Hindi din isyu kay Recto kung ipinagpaliban sa Marso 1 ang pagbubukas ng mga sinehan dahil aniya ang dapat na pakinggan ang mga eksperto.

“Our health experts should determine protocols to open our schools as soon as possible,” sabi pa nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.