Approval at trust rating ni PNoy, tumaas

By Kathleen Betina Aenlle April 05, 2016 - 04:36 AM

 

Malacañang photo

Tumaas ang approval at trust ratings ni Pangulong Benigno Aquino III sa nagdaang tatlong buwan ayon sa survey ng Pulse Asia.

Isinagawa ang survey mula March 12 hanggang 18, sa 1,800 respondents na pawang mga rehistradong botante. Ito ay may margin of error na plus or minus two percent at 95 percent confidence level.

Lumabas dito na tumaas ng tatlong puntos ang kaniyang approval rating na nasa 52 percent na kumpara sa 49 percent niya noong January.

Ang Pangulo rin ang nakakuha ng pinakamataas na pag-akyat ng trust rating sa lahat ng mga opisyal ng pamahalaan, matapos umakyat ng 10 puntos ang kaniyang rating na ngayon ay 49 percent na, mula sa 39 percent noong January.

51 percent ng mga respondents sa Luzon, 59 percent sa Visayas, at 58 percent sa Mindanao ang nagpakita ng pagiging kuntento sa trabaho ni Pangulong Aquino.

Sa Metro Manila lamang tanging nakakuha ang Pangulo ng approval rating na mas mababa sa 50 percent, dahil 33 percent lamang sa mga nasa Kalakhang Maynila ang masaya sa kaniyang mga naging trabaho. Lumabas rin sa Pulse Asia survey na nakuha ni Pangulo ang tiwala ng 58 percent ng mga respondents sa Visayas, 57 percent sa Mindanao, at 54 percent sa Class E.

Nakakuha rin sya ng plurality sentiment sa Luzon sa 45 percent, at sa Class D sa 48 percent.

Samantala, bumaba naman ng isang puntos ang approval rating ni Vice President Jejomar Binay na ngayon ay 46 percent na mula sa dating 47 percent noong January.

Nakakuha rin si Binay ng plurality trust ratings na 45 percent sa Luzon, 47 percent sa Mindanao, 43 percent sa Class D at 50 percent sa Class E.

Si Senate President Franklin Drilon naman ay nakakuha ng kabuuang 46 percent na approval rating at 42 percent na trust rating. 31 percent naman ang nakuhang approval rating ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno, habang 30 percent naman ang nakuha niyang trust rating.

Nanatili naman sa kaniyang posisyon bilang nangungunang opisyal ng gobyerno na may pinakamababang rating si House Speaker Feliciano Belmonte na nakatanggap ng 30 percent approval at 27 percent trust rating.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.