Aniya, matinding banta ito hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa kapayapaan ng rehiyon at buong mundo.
“If China’s new coast guard law is allowed to stand, both the UN Charter and UNCLOS will no longer apply in the South China Sea and even in the East China Sea,” pahayag nito.
Dagdag pa ni Carpio, “These two seas will revert to the situation that existed before the two world wars, where states acquired territories through threat or use of force. China’s new law is definitely a grave threat to world peace.”
Matatandaang naghain ang Pilipinas ng diplomatic protest laban sa bagong naipasang batas ng China.
Maliban dito, nagbabala rin si Carpio sa pagpasok ng China sa mga imprastraktura at kagamitan ng Pilipinas, kasama rito ang pagiging co-ownership ng Chinese government sa National Grid Corporation of the Philippines at Dito Telecommunity sa pamamagitan ng State Grid Corporation of China at China Telecom (ChinaTel).
60 porsyento sa Dito ay pag-aari ni Dennis Uy habang 40 porsyento naman sa ChinaTel, isang state-owned corporation ng People’s Republic of China (PRC).
“As a wholly-owned state corporation, ChinaTel is controlled by the PRC government, which in turn is under the iron grip of the Chinese Communist Party,” ani Carpio.
Dagdag pa nito, “Any organization or citizen shall support, assist, and cooperate with the state intelligence work in accordance with the law, and maintain the secrecy of all knowledge of state intelligence work.”
Kinuwestiyon din ni Carpio ang pagpayag na makapagtayo ang Dito ng cell towers sa loob ng mga kampo ng militar.
“China’s Ministry of State Security will surely be salivating to inject backdoors and spyware into the AFP’s information systems and communications equipment. All of this will be taking place while the Chinese Navy relentlessly encroaches on the Philippines’ EEZ in the West Philippine Sea,” babala ni Carpio.