Debate sa ‘economic Cha-cha,’ tatalakayin na sa Kamara
Sisimulan na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na pagdebatehan sa plenaryo anmg Resolution of Both Houses No. 2 o ang panukala upang amyendahan ang ‘restrictive provisions’ ng 1987 Constitution.
Ayon kay House Committee on Constitutional Amendments Chair Alfredo Garbin Jr, magsisimula ito sa February 22 ng kasalukuyang taon.
Hindi naman masabi ni Garbin kung gaano katagal ang magiging talakayan sa plenaryo pero umaasa ito na hindi sila masyadong mahihirapan lalo’t batay sa “manifesto of support” ng super majority ng Kamara ay maraming sumusuporta sa economic Cha-Cha.
Natalakay na rin naman aniya ang lahat sa komite at maraming taon na rin aniyang isinusulong ang pag-amyenda sa ilang probinsyon sa Saligang Batas.
Ang tiyak, ayon kay Garbin, na makikipag-debate ay ang mga mambabatas na “protectionist” o ayaw pa ring magalaw ang restrictive economic provisions.
Isisingit din dito ang mga katagang “unless otherwise provided by law”, partikular sa Articles 12, 14 at 16 ng Saligang Batas.
Ang RBH no. 2 ay ini-akda ni House Speaker Lord Allan Velasco na layong makatulong sa ekonomiya ng bansa, na naapektuhan ng COVID-19 pandemic
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.