Sa pagdinig ng komite na pinangunahan na chairman nito na si Albay Rep. Joey Salceda, mabilis na nakalusot ang House Bill 8648 na inakda nina House Speaker Lord Allan Velasco, Majority Leader Martin Romualdez at Minority Leader Joseph Stephen Paduano.
Nakasaad sa panukala na ang procurement, importation, storage, transport, distribution, at administration ng COVID-19 vaccines ng local government units ay gagawing exempted sa pagbabayad ng customs duties, value-added tax, excise tax, at iba pang bayarin.
Gayunman, dapat ay para lamang sa kanilang mga residente at hindi para sa commercial distribution ang bibilhing bakuna.
Nauna nang nakapasa sa House Committee on Appropriations ang panukala pero ipinasa ito sa komite ni Salceda para sa tax provisions.
Sa ilalim ng panukala, bibigyan ng exemption sa hinihinging requirements sa ilalim ng Republic Act 9184 o Government Procurement Reform Act ang mga LGUs upang mabilis ang pagbili ng bakuna at iba pang kinakailangang suplay ng mga lokal na pamahalaan.
Bukod sa direct procurement at hindi na pagsasagawa ng bidding ay ilan sa mga ibibigay na exemptions ay ang 50 porsyentong downpayment, pagkakaroon ng fixed na presyo, malinaw na timeline at bayad-pinsala o indemnification.