COVID-19 recoveries sa Maynila, pumalo na sa 26,000

Karagdagang 65 kaso ng COVID-19 ang naitala sa Lungsod ng Maynila.

Batay sa MEOC COVID-19 monitoring hanggang 12:00, Lunes ng tanghali (February 15), sumampa na sa 27,212 ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 379 ang aktibong kaso.

Naitala ang pinakamataas na bilang ng active COVID-19 case sa Sampaloc na may 73 active cases.

Sumunod dito ang Tondo 1 na may 52 na aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Nasa 47 residente naman ang bagong gumaling at walang bagong nasawi.

Dahil dito, umabot na sa 26,040 ang kabuuang bilang ng naka-recover mula sa sakit sa Maynila habang 793 pa rin ang nasawi dahil sa COVID-19 pandemic.

Read more...