Reserve fund ng SSS, hanggang dalawang taon na lamang

By Erwin Aguilon February 15, 2021 - 02:47 PM

Kaya pang magbigay ng employement benefits ng Social Security System sakaling tumaas pa ang bilang ng mga mawawalan ng trabaho ngayong taon dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa pagdinig ng House committee on Public Accounts, sinabi ni SSS Chief Actuary Edgar Cruz, nasa P540 billion pa ang kanilang reserve fund.

Pero ayon kay Cruz, panandalian lang ang kayang i-sustain nito dahil kung hindi maipatutupad ang reporma ay iiksi ang fund life ng ahensya.

Paliwanag ng opisyal, hindi pwedeng kung kailan paubos na ang pondo ay saka lang gagawa ng paraan dahil ang reporma ay unti-unting ipinatutupad sa mahabang panahon.

Sinegundahan ito ni SSS President and CEO Aurora Ignacio na nagsabing hanggang dalawang taon lang ang kakayaning operasyon ng SSS base sa kanilang reserve fund.

Mas malaki anyang parte mula sa buwanang kontribusyon ng mga miyembro ang napupunta sa pension benefits at yung matitira lang ang nadadagdag sa reserve funds.

TAGS: Inquirer News, Radyo Inquirer news, sss, Inquirer News, Radyo Inquirer news, sss

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.