‘Face-to-face’ classes baka puwede na sa 400 COVID 19-free LGUs – Sen. Win Gatchalian

Umaasa si Senator Sherwin Gatchalian na maari nang magsagawa ng ‘face-to-face classes’ sa higit 400 lugar sa bansa na wala ng kaso ng COVID 19.

Dapat aniya pag-aralan na ng mga kinauukulang ahensiya sa sektor ng edukasyon ang posibilidad nang dahan-dahan na pagbubukas muli ng mga eskuwelahan.

Katuwiran nito, may ginawa ng pagbabago sa COVID 19 protocols ang Inter-Agency Task Force (IATF).

“We now have 400 out of 1,500 LGUs that are zero-COVID and some of these never had COVID-19 cases because they are in far-flung areas, in islands, in areas we consider ‘low-risk.’ I think they can now slowly open up their schools,” sabi ng senador.

Aniya maaring ikunsidera na ng DepEd ang paunti-unting pagbabalik sa eskuwelahan ng mga mag-aaral o ang 50 percent operation ng mga classroom.

“They can come up with a system were students can come to school two times a week, so that 50 percent can be accommodated,” punto ni Gatchalian at aniya, “we need to experiment, because we’ve never done this before in history. We can experiment and conduct face-to-face classes slowly.”

Noong nakaraang Disyembre binawi ni Pangulong Duterte ang binalak na pagbabalik ng face-to-face classes sa ilang lugar sa bansa na dapat ikinasa noong nakaraang buwan.

Read more...