30 kampo ng militar inaprubahang gawing vaccination sites para sa COVID-19
Gagamitin na rin bilang mga vaccination sites para sa COVID-19 ang mga kampo ng military sa bansa.
Ayon kay AFP Spokesperson Major General Edgard Arevalo, 30 mga vaccination sites sa loob ng mga kampo ang inaprubahan ng Department of Health.
Inaayos na anya ngayon ng AFP ang lokasyon ng mga warehouse gayundin ang mga gagamitin vaccination sites bilang paghahanda sa pagdating ng mga bakuna.
Sinabi ng opisyal na una na silang nagrekomenda ng 49 na lugar sa DOH na maaring gamitin.
Samantala, nakahanda na rin ayon kay Arevalo ang mga sundalo upang magbigay ng security, medical at logistics support sa gagawing pagbabakuna.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.