Kasong impeachment laban kay dating US President Trump, ibinasura
Pinawalang-sala ng US Senate ang dati nilang pangulo na si Donald Trump sa ikalawang impeachment case na isinampa laban dito may kaugnayan sa marahas na pag-atake ng kanyang mga taga suporta sa US capitol.
Sa botong 57-43, ibinasura ng Senado ang kaso base sa ‘incitement of insurrection’ matapos ang limang araw na pagdinig.
Sa nasabing bilang, pito sa limampung mga kapartido ni Trump na Republican ang bumoto upang mahatulang guilty ang dating lider ng Estados Unidos.
Sa naging impeachment trial, iginiit ng mga abogado ni Trump na bahagi ng karapatan ng dating lider sa ilalim ng Saligang Batas may kaugnayan sa ‘freedom of speech’ ang pahayag nito sa rally.
Bukod dito, hindi rin anila nabigyan ng due process ang kanilang kliyente
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.