Chief of Police ng Poro, Camotes Island, tinambangan

 

Mula sa Google Maps

Patay sa pananambang ang hepe ng pulisya ng bayan ng Poro sa isla ng Camotes sa lalawigan ng Cebu matapos tambangan ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek.

Nakilala ang nasawing biktima na si Senior Inspector Jonas Tahanlangit na nagtamo ng mga tama ng bala sa kanyang leeg at balikat.

Bukod kay Tahanlangit, sugatan din ang dalawang teenager na nakisakay lamang sa pulis nang maganap ang pananambang.

Ayon kay Sr. Supt. Clifford Gairanod, hepe ng Cebu Police Provincial Office, galing ng Cebu ang biktimang pulis matapos dumalo sa isang court hearing.

Nang dumating sa Port of Esperanza sa bayan ng San Francisco nakisakay ang dalawang teenager sa sasakyan nitong itim na pick-up.

Pabalik na sana ang mga biktima sa bayan ng Poro nang paulanan ng bala ng isa sa dalawang suspek na riding in tandem gamit ang kalibre .45 baril.

Inaalam na ng mga otoridad ang motibo sa likod ng pamamaslang.

Read more...