Senior citizens, ipinanukalang ilibre sa parking fees at gawing exempted sa number coding

By Erwin Aguilon February 14, 2021 - 08:22 AM

Inquirer File Photo

Isinusulong ni Quezon City Rep. Alfred Vargas na malibre sa pagbabayad ng parking fees at ma-exempt sa number coding scheme ang mga lolo’t lola.

Sa pamamagitan ng House Bill No. 8599 o ang “Free Parking and Coding Exemption for Senior Citizens Act,” target na mabigyan ang senior citizens ng simpleng benepisyo bilang pagkilala sa kanilang mga kontribusyon sa pag-unlad ng bansa.

Sa ilalim ng panukala, hindi na pagbabayarin ng parking fees sa lahat ng establisyimento ang mga sasakyang naka-rehistro sa pangalan ng senior citizen.

Para naman sa number coding, ang exemption ay para sa mga sasakyang minamaneho o may sakay na senior citizen.

Ayon kay Vargas, chairman ng House committee on Social Services, habang tinututukan ngayon ng gobyerno ang kapakanan ng vulnerable sectors mainam na ring paghandaan ang post-pandemic recovery.

Maganda anyang regalo ito sa mga lolo’t lola sa oras na payagan na silang lumabas.

 

TAGS: number coding, parking fee, Rep. Alfred Vargas, senior citizen, number coding, parking fee, Rep. Alfred Vargas, senior citizen

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.