Bahagi ng Southern Luzon at Visayas apektado ng tail-end ng Frontal System – PAGASA

 

Asahan na ang bahagyang pag-ulan sa eastern part ng Southern Luzon at Visayas ngayong araw dahil sa umiiral na tail-end ng Frontal System habang Northeast Monsoon o Amihan ang nakaaapekto sa nalalabing bahagi ng Luzon.

Ayon sa PAGASA, makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Visayas, Zamboanga Peninsula, Palawan, Albay, Sorsogon at Masbate dahil sa nasabing weather system.

Ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, nalalabing bahagi ng Bicol Region, Aurora at Quezon ay magkakaroon naman ng maulap na kalangitan na may kasamang light rains dulot ng Amihan.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin naman na may kasamang isolated light rains ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon dulot ng Amihan.

Ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na himpapawid na kung minsan ay may isolated rainshowers dahil sa localized thunderstorm.

Ang araw ay sumikat 6:21 ng umaga at inaasahang lulubog dakong 6pm.

Read more...